Sinibak sa puwesto ni US Pres. Donald Trump ang director ng Federal Bureau of Investigation o FBI na si James Comey.
Si Comey, na siyang namumuno sa FBI ang nag-iimbestiga sa campaign ties ni Trump sa Russia.
Ang nakagugulat na pagsibak ni Trump kay Comey ay kasunod ng pamumuno niya sa imbestigasyong sa kinalaman ng mga aide ni Trump sa umano’y pagmamanipula ng Moscow sa nakalipas na US Presidential elections.
Ayon kay White House spokesman Sean Spicer, tinanggap ni Trump ang rekomendasyon ng attorney general at ng deputy attorney general ukol sa dismissal ng FBI director.
Kasunod nito, nakatakdang aniyang simulan ang paghahanap ng panibagong mamumuno sa FBI bilang kapalit ni Comey.
Sa termination letter ni Trump, nakasaad na hindi natugunan at hindi naging epektibo ang pamumuno ni Comey sa FBI.
Mahalaga aniya na maghanap na ng bagong FBI director na makapag-papanumbalik ng public trust at confidence sa law enforcement mission ng ahensya.
Matatandaang naging kontrobersyal ang papel ni Comey sa nakaraang 2016 presidential elections.