NAIA, naka-alert status matapos ang Quiapo blasts

By Kabie Aenlle May 10, 2017 - 05:05 AM

Naia PilaMatapos ang magkakasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, nagdesisyon ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na higpitan ang seguridad sa paliparan.

Ayon kay Airport Police Department Gen. Romy Labador, naka-‘alert status’ na ngayon ang mga karagdagang tauhan na nakatalaga sa loob at labas ng lahat ng terminal ng NAIA.

Aniya, bilang bahagi ng mas mahigpit na seguridad, magsasagawa ng “random rigid inspections” sa mga sasakyan.

Umapela rin si Labador sa publiko na sumunod na lamang at makipagtulungan sa inspeksyon dahil para rin naman ito sa kanilang kaligtasan.

Gayunman, iginiit ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na hindi nila intensyong takutin ang mga pasahero sa paghihigpit nila ng seguridad.

Layon lang aniya nila na mas palawakin ang kaalaman ng publiko sa mga insidenteng maaring mangyari malapit sa mga paliparan.

Aniya pa, para naman ito sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng mga pasahero at iba pang gumagamit ng paliparan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.