500 sako ng pirated DVD, kinumpiska ng OMB sa Quiapo

pirated-cd-nazareno-anthony-esguerraAabot sa 500 sako ng mga pirated na DVD ang nakumpiska ng mga tauhan ng Optical Media Board (OPB) matapos nilang salakayin ang isang gusali sa Quiapo, Maynila kung saan talamak ang bentahan nito.

Kasama ng mga operatiba ng OMB ang mga tauhan ng Regional Public Safety Battalion ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang salakayin ang nasabing gusali sa kanto ng Hidalgo at Bautista streets.

Bukod sa sako-sakong mga piniratang DVD, nakumpiska rin ng mga otoridad ang mga improvised replicating machines at DVD writers.

Ayon kay OMB chairman Anselmo Adriano, mas madali na ngayon ang pamimirata ng mga pelikula dahil mas madali na rin ang pagbili sa mga kagamitan para maisagawa ito.

Bagaman marami silang gamit na nakumpiska, hindi naman nahuli o naabutan ng mga tauhan ng OMB ang may-ari ng mga estante na kanilang sinalakay dahil nagtakbuhan agad ang mga ito.

Gayunman, tiniyak niyang gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para matukoy ang may-ari ng mga tindahang ito at mapanagot sa batas.

Read more...