Moon Jae-In, wagi bilang bagong pangulo ng South Korea

By Kabie Aenlle May 10, 2017 - 04:13 AM

Progressive-Moon-Jae-in-elected-South-Korea-presidentLandslide ang pagkapanalo ng makakaliwang human rights lawyer na si Moon Jae-In sa katatapos lamang na presidential election kahapon.

Matatandaang nagkaroon ng eleksyon matapos pababain ang dati nilang pangulo na Park Geun-Hye dahil sa kurapsyon, at pagkakasangkot sa eskandalo.

Umabot sa 41.4 percent ang bumoto kay Moon na mula sa Democratic Party, at pabor sa pagaayos sa ugnayan ng South Korea at North Korea.

Samantala, nakakuha naman ang conservative na si Hong Joon-Pyo ng 23.3 percent na boto, habang ang centrist na si Ahn Cheol-Soo ay nakakuha ng 21.8 percent.

Ayon kay Moon, nararamdaman niya ang labis na kagustuhan ng mga tao na maranasan ang pagbabago.

Nasa 75.1 percent naman ng mga botante ang bumoto hanggang sa alas-7:00 ng gabi, isang oras bago magsara ang eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.