Pwersa ng Abu Sayyaf, humihina na ayon sa AFP

By Kabie Aenlle May 10, 2017 - 04:24 AM

afp abu sayyaf camp sumisip basilan wesmincomBuong pagmamalaking ibinida ng Armed Forces of the Philippines ang anila’y “substantial and significant developments” sa kanilang kampanya laban sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) chied Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kabuuang 60 bandidong miyembro ng Abu Sayyaf na ang kanilang napatay sa 29 na operasyon mula noong Enero.

Gayunman, siyam na tropa naman ng pamahalaan ang nalagas, at karamihan sa mga ito ay pawang mula sa militia forces dahil rin sa nasabing mga operasyon.

Ayon pa kay Galvez, sa nagdaang apat na buwan na mas pinaigting na laban nila kontra Abu Sayyaf, gumuho na ang lakas ng bandidong grupo.

Ngayon aniyang dalawang buwan na lang ang natitira sa anim na buwang ultimatum na ibingay sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumagsak na sa nasa 100 ang bilang ng kanilang mga tauhan mula sa dating nasa 600 na armadong bandido.

Dati aniya ay nakakasagupaan ng mga sundalo ang isang malaking grupo ng Abu Sayyaf na binubuo ng nasa 400 na miyembro, ngunit ngayon ay umaabot na lang sa 40 hanggang 50 ang kanilang nakaka-engkwentro.

Katwiran ni Galvez, marami na ring miyembro ng grupo ang kumalas na.

Sa nagdaang apat na buwan ay 13 miyembro rin ang kanilang naaresto, 35 ang nasugatan habang 41 na ang sumuko.

Samantala, sa kaso ng Maute group, 56 na mga local at foreign terrorist na ang kanilang napatay sa pitong engkwentro, habang pito ang nasugatan at isa ang naaresto.

Aabot naman na sa 36 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang nasawi sa siyam na operasyon ng mga otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.