Banking, business at iba pang sektor, masaya sa pagkakatalaga kay Espenilla bilang BSP governor
Umani ng positibong reaksyon mula sa iba’t-ibang sektor ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Nestor Espenilla Jr. bilang bagong pinuno ng BSP.
Papalitan ni Espenilla bilang governor ng Bangko Sentral ang magreretiro nang si Amando Tetangco Jr.
Si Tetangco ay nakatakdang magretiro sa buwan ng Hulyo makalipas ang dalawang termino bilang pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa mga negosyante at mga ekonomista, magiging maganda ang ‘continuity’ ng mga polisiyang inumpisahan ni Tetangco sa ilalim ng pamumuno ni Espenilla.
Ayon sa mga ito, mataas ang respeto ng banking community at mga financial regulators kina Espenilla at Tetangco.
Naniniwala rin ang mga ito na kayang-kaya ni Espenilla ang kanyang kakaharaping tungkulin at magpapatuloy ang pagiging isa sa mga top-performing economy ang Pilipinas sa ilalim ng bagong liderato.
Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Espenilla kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakatalaga sa kanya bilang BSP governor.
Nagpasalamat rin ito sa kanyang ‘mentor’ na si Tetangco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.