Twin bombing sa Thailand, higit 60 sugatan

By Jay Dones May 10, 2017 - 04:14 AM

 

Car-bombing-in-Pattani-in-Thailand-9-May-2017-620x356Hindi bababa sa animnapu katao ang nasugatan sa kambal na pagsabog ng hinihinalang car bomb sa labas ng isang supermarket sa Pattani, southern Thailand.

Naganap ang pagsabog sa labas ng ‘Big C’ supermarket malapit sa sentro ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, unang sumabog ang isang bomba na ikinabit sa motorsiklo sa car park ng supermarket na nagresulta sa agarang panic-mula sa mga kostumer.

Sa kasagsagan ng kaguluhan, isa pang pagsabog ang naganap na nagresulta sa pagkasugat ng mas maraming biktima.

Hinihinalang inilagay ang ikalawang bomba sa isa namang kotse batay sa mga piraso ng sasakyan na narekober ng mga otoridad sa lugar na pinangyarihan ng ikalawang pagsabog.

Matagal nang suliranin sa lugar ang pamamayagpag ng rebeldeng ethnic Malay na kumakalaban sa Buddhist majority state ng Thailand.

Hinala ng mga otoridad, ang mga ito ang pasimuno ng kambal na pagpapasabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.