Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, naniniwala umano ang pangulo na kaya ni Cimatu na balansehin ang trabaho bilang DENR Secretary at bilang dating opisyal ng militar.
Kaya rin umano ni Cimatu na itaguyod ang social justice sa kabila ng mga batikos ng kanyang mga kritiko.
Matatandaang nito lamang Lunes itinalaga ng pangulo si Cimatu bilang DENR Secretary at agad na nanumpa sa tungkulin.
Bago pa ito, naitalaga na ang dating AFP Chief bilang Special Ambassador on OFW Refugees.
MOST READ
LATEST STORIES