Isang Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog habang nagsasagawa ng clearing operations ang militar matapos ang naganap na barilan pasado alas-siyete ng umaga sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freddom Fighters (BIFF) sa Shariff Aguak Maguindanao.
Ayon kay Capt Arvin Encinas, Spokesman 6th Infantry Division ng Philippine Army, nakasagupa ng mga miyembro ng 57 Infantry Batallion at 21 Mehanized at 2nd Mechanized Company ng Philippine Army ang mga bandido sa may Bgy. Bagong Upam sa nasabing bayan.
Sinabi ni Encinas na wala namang nasugatan sa pagsabog ng IED na pumutok 100 metro lamang ang layo sa kinaroroonan ng mga sundalo.
Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan.
Samantala, nagsasagawa ngayon ng clearing ops ang operating troops sa lugar para matiyak na wala ng IED na nakatanim sa area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.