Anti-drug campaign ng gobyerno salig sa U.N protocol ayon sa PAO

APRIL 18, 2016 Attorney Persida Acosta visits the freed farmers temporarily house at the organic farm owned by the diocese of Kidapawan on Monday morning. The PAO chief convinces the farmers to go home to their respective families. Of 79, only 5 choose to return to their respective homes on MOnday. (Williamor A. Magbanua)
Inquirer file photo

Ipinagtanggol ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga.

Tahasan ding pinabulaanan nitong mayroong umiiral na state-sponsored killings sa mga drug personalities kasabay ng pahayag na ang ginagawa ni Pangulong Duterte ay sang-ayon umano sa United Nations Organizations on Drugs and Crimes (UNODC).

Sinabi ni Atty. Acosta, walang intensyon ang estado na patayin ang sinumang drug user o trafficker kundi ang gusto ng administrasyon ay magkaroon ng social justice at pagtupad sa rule of law.

Kung paniniwalaan daw ang sinasabing state-sponsored killings ay wala na silang kliyenteng hinahawakan.

Kasabay nito, ipinagtanggol din ni Acosta ang ginagawang pagpatay ng mga pulis sa mga umano’y lumalabang suspek dahil pinapayagan daw sa Revised Penal Code ang paggamit ng kaukulang puwersa sa oras na malagay sa panganib ang buhay ng mga pulis o alinmang law enforcement officer.

Read more...