Floirendo walang tampo sa pagkakasibak sa C.A

By Isa Avedaño-Umali May 09, 2017 - 03:18 PM

FloirendoNauunawaan ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo na ang kanyang posisyon at kapalaran bilang miyembro ng Commission on Appointments o C.A ay base sa Liderato ng Kamara.

Dahil dito, sinabi ni Floirendo na walang problema kung para sa House leadership ay hindi na siyang kailangan sa C.A.

Ani Floirendo, hindi naman siya naghahangad ng mataas na posisyon sa Kamara.

Mas prayoridad umano niya ang kanyang distrito, dahil turo umano ng kanyang tatay na alagaan ang mga taong tumulong para marating ang kinaroroonan ngayon.

Utang din daw niya ang posisyon sa mga constituent sa ikalawang distrito ng Davao del Norte.

Muli naman tiniyak ni Floirendo na patuloy ang kanyang suporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinuturing niyang pamilya.

Si Floirendo ay sinibak sa C.A, sa gitna ng iringan nila ni House Speaker Pantaleon Alvarez ukol sa Bucor-TADECO deal.

Nabatid din na hindi nakadalo si Floirendo noong botohan para sa Death Penalty bill noong Marso.

TAGS: Alvarez, commission on appointments, floirendo, Kamara, Alvarez, commission on appointments, floirendo, Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.