Bahagyang gagaan ang singil sa kuryente ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan ng Mayo.
Ito ay matapos ianunsiyo ng Meralco na magpapatupad sila ng rollback sa electricity rates.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ang rollback sa electricity rates ay dahil sa mababang generation charge at pagbaba ng halaga ng kuryente sa mga supplier.
Batay sa abiso ng Meralco ng electric company, bababa sa P0.29 per kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Katumbas nito ang pagbawas ng 58 pesos sa bawat electricity bill ng mga consumers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.