Robredo, ipinababasura sa PET ang mosyon ni Marcos sa kanyang counter protest kaugnay sa 2016 elections
Hiniling ni Vice President Leni Robredo sa Supreme Court na umuupong Presidential Electoral Tribunal o PET na ibasura ang mosyon ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na humihiling na ipawalang-bisa ang kanyang counter-protest na may kaugnayan sa 2016 elections.
Ayon kay Robredo, dapat ituring na “Sham Pleading” o walang kuwenta ang mosyon ni Marcos na dapat inaalis sa records o ma-dismissed.
Nagtungo si Marcos sa PET dahil sa kabiguan umano ni Robredo na bayaran ang unang installment na dapat niyang bayaran para sa kanyang kontra-protesta.
Iginiit ni Marcos ang rule 34 ng 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal na nagbibigay kapangyarihan sa PET na ibasura ang protesta o counter-protest depende sa sirkumstansiya.
Una nang naghain si Robredo ng mosyon para ipagpaliban ang kanyang pagbabayd ng protest fee subalit kagyat na tinutulan ng tribunal at iginiit na dapat niyang magbayad ng walong milyung cash deposit na kanya namang binayaran noong Mayo a-dos.
Para kay Robredo , dahil sa kanyang compliance sa utos ng PET ay nagbunsod sa mosyon ni Marcos para maging moot and academic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.