Sa 14-page resolution na promulgated noong Lunes ay pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang motion to quash information ni Reyes na nagresulta sa pagkabasura ng graft case nito.
Iginiit ni Reyes sa kanyang mosyon ang binanggit ng korte na “inordinate delay” sa panig ng Office of the Ombudsman sa pagsagawa ng proceedings ng kaso.
Sa timeline ng prosekusyon, nagsimula ang fact-finding investigation noong May 24, 2004 habang ang preliminary investigation ay natapos noong September 14, 2016.
Nakasaad sa resolusyon na inabot ng halos labing-dalawang taon ang proceedings ng Ombudsman na paglabag sa right to speedy disposition of cases ni Reyes.
Bigo rin umano ang prosekusyon na ipaliwanag ang delay sa kaso laban kay Reyes na matagal na nakabinbin sa Ombudsman.