Balikatan Exercises 2017, may basbas ni Duterte ayon sa AFP

By Ruel Perez May 09, 2017 - 11:58 AM

balikatan-0422
FILE PHOTO

Mayroon basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Balikatan Exercises 2017.

Ito ay ayon kay Lt. Gen. Oscar Lactao, commander ng Armed Forces of the Philippines Central Command, at co-director ng Philippine Exercises 2017, sa harap ng nauna nang pahayag ni Pangulong Duterte na ayaw na niyang makakita ng mga sundalong Amerikano sa bansa.

Sa katunayan, kabubukas pa lamang ng joint exercises kahapon pero pinag-uusapan na aniya ang kasunod na Balikatan para sa susunod na taon.

Paliwanag ni Lactao, sinunod nila ang gusto ng pangulo na bigyang prayoridad ang humanitarian and disaster response at counter-terrorism activities dahil ito ang kailangan ngayon ng bansa.

Bagaman ang pangunahing papel ng AFP ay bigyang seguridad ang bansa, ipinaliwanag ni Lactao na hindi lamang sa giyera sila dapat naghahanda kundi maging sa mga panahon ng kalamidad.

Kahapon, umarangkada na ang Balikatan joint military exercises 2017 sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at Estados Unidos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.