Rep. Imelda Marcos, natawa sa ulat na patay na siya

Imelda-Marcos-0727“Buhay pa, matanda nga lang.”

Yan ang pahayag ni dating unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez-Marcos kasunod ng ulat sa social media na siya ay pumanaw na.

Si Marcos ay maagang dumating sa session hall ng Kamara para dumalo sa sesyon kahapon.

Sinabi naman ni Filadelfo Diaz, Chief of Staff ni Marcos, natawa lamang dating first lady sa post sa Twitter ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, na dating kongresista at asawa ni dating Senador Bongbong Revilla Jr.

Sa tweet kasi ni Mercado-Revilla kahapon dakong alas-diyes ng gabi, sinabi nito na nakikiramay siya sa umano’y pagpanaw ni Marcos

Pero ayon kay Diaz, nasa bahay si Marcos nang mabalitaan nito ang nakapost sa twitter ni Mercado-Revilla.

Ani Diaz, humingi na ng paumanhin si Mayor Revilla at itinama ang kanyang pinost sa social media.

Subalit pagtatanggol naman ni Amelia Manzo, media staff ni Bacoor Rep. Strike Revilla na brother-in-law ni Mayor Lani, hindi raw siya ang nagtweet ng nasabing balita at na-hack daw ang account ng alkalde.

Pinapa-imbestigahan na umano kung ano ang nangyari at kung sino ang nang-hack.

Read more...