Klase sa public elementary at high schools, sa June 5 magsisimula

By Kabie Aenlle May 09, 2017 - 02:21 AM

High-school-students-Inquirer-file-photoInanunsyo na ng Department of Education (DepEd) na sa June 5 na ang opisyal na pagsisimula ng klase sa mga pampublikong elementary at high schools.

Sa inilabas na kautusan ni Education Sec. Leonor Briones, sinabi niyang ang bagong academic year ay bubuuin ng 204 school days, kabilang ang limang araw na in-service training ng mga guto, at apat na araw na parent-teacher conferences kada quarter.

Dahil dito, inaasahan ang mga mag-aaral na pumasok sa loob ng 195 na araw.

Ayon kay Briones, posibleng maiba ang schedule ng mga pribadong paaralan kumpara sa school calendar ng DepEd.

Gayunman, ipinaalala ng kalihim na hindi maari magsimula ang mga ito nang mas maaga pa sa unang Lunes ng Hunyo, at hindi rin lalampas sa huling araw ng Agusto.

Dagdag pa niya, kailangang ipaalam ng mga paaralan sa kanilag regional offices sakali man na mag-iiba sila ng kanilang school calendar.

Bilang paghahanda naman sa muling pagbubukas ng mga klase, ilulunsad ng DepEd ang Brigada Eskwela sa Cebu City sa May 15.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.