Kulong para sa mga magulang ng mga batang sangkot sa krimen isinulong

crime-scene-300x200Iginiit ng ilang mambabatas na sa mga magulang ipataw ang parusa para sa mga anak nitong lalabag sa batas o masasangkot sa krimen.

Ayon kay ANAC-IP Partylist Rep. Jose Panganiban na pabor siyang ibaba ang age of criminal responsibility sa siyam na taong gulang na isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan.

Gayunman, sinabi ni Panganiban na dapat tandaan na ang pagiging kriminal ng mga menor-de-edad ay maisisisi sa mga magulang.

Kung ikukulong man ang isang bata, marapat aniyang isama ang mga magulang upang pagdusahan ang krimen na ginawa ng anak.

Para naman kay House Committee on the Welfare of Children Chairman Divina Grace Yu, bukas siya sa pagbaba sa age of criminal responsibility pero sa labing dalawang taon lamang.

Ayon kay Yu, hindi lamang siya ang kailangang makumbinsi na ibaba sa siyam na taong gulang ang age of criminal responsibility.

Si House Speaker Pantaleon Alvarez ang may-akda ng naturang panukala pero hindi pa ito natatalakay sa Kamara.

Read more...