Dutertenomics ipagmamalaki ng pangulo sa World Economic Forum
Ibibida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa World Economic Forum sa Cambodia ang kanyang “Dutertenomics” o Duterte Economics.
Ang Dutertenomics ay ang economic at development blueprint ng pangulo para sa Pilipinas hanggang sa taong 2022.
Nakapaloob dito ang mga programang imprastraktura, social services, fiscal growth at iba pa para mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar na binigyan ng organizers ng WEF ang pangulon ng isang press conference para mailatag sa business leaders at mga business executives ang kanyang Dutertenomics at socio economic agenda ng administrasyon.
Gaganapin ang World Economic Forum sa May 10-12 at pagkatapos ay agad na tutulak ang pangulo sa Hongkong at pagkatapos ay dadalo sa One Belt, One road Forum sa Beijing China kung saan ay personal siyang inimbitahan ni Chinese President Xi Jingping.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.