Umabot na sa labingapat ang iniwang patay ng nakalabas ng bagyong Ineng habang.
Tatlong iba pa ang nawawala ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mayroon pang tatlong nawawala.
Ayon sa NDRRMC, pinakamaraming naitalang nasawi sa Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan labingtatlo na ang nasawi.
Base sa listahan na ipinalabas ng NDRRMC, kabilang sa mga nasawi sa CAR ang mga sumusunod:
1. Markin Celo – 21, Gambang, Bakun, Benguet (landslide)
2. Erwin Celo – 26, Gambang, Bakun, Benguet (landslide)
3. Michael Felix – 58, Buguias, Benguet (landslide)
4. Glen Baldasan Poloc -27, Mankayan Benguet (landslide)
5. Michael Lagasan – 59, Cervantes, Ilocos Sur (landslide)
6. Nova Mae Diaz Tuazon – 17, Mankayan, Benguet (landslide)
7. Nole Galidan Lubante Jr. – 21, Mankayan, Benguet (Iandslide)
8. Jorie Catubing – 1, Atok, Benguet (landslide)
9. Crispin Ablao – 22, Mankayan, Benguet (landslide)
10. Felimon Adcapan – 23, Mankayan, Benguet (landslide)
11. Armando Dayaw – Mankayan, Benguet (landslide)
12. Herminio Taguyo Jr, – 47, Pinilo, Ilocos Norte (hit by mango tree)
13. Ycher Mayon – 10, Sabangan, Mt. Province (landslide)
14. Julius Gumisa – 26, Bontoc, Mt. Province (drowning)
Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, mayroong 15 ang naitalang nasugatan at may tatlong nawawala sa Ilocos Norte, La Union at Cagayan.
Samantala umabot sa 958 na kabahayan ang nasira dahil sa bagyong Ineng mula sa Rehions 1, 2,4-A, at CAR. Sa nasabing bilang 80 ang totally damaged at 878 ang partially damaged.
Umabot na sa P124,818,483 ang halaga ng pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura./ Dona Dominguez-Cargullo