Quiapo Church ligtas para sa publiko ayon sa PNP

Quiapo Church
Inquirer file photo

Wala umanong dapat na ikatakot ang mga deboto nang Itim na Nazareno na regular na nagsisimba sa Quiapo Church sa Maynila.

Ang pahayag ay ginawa ni PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos ang magkakasunod na pagsabog malapit sa simbahan na dinasagsa ng mga deboto.

Paliwanag ni Dela Rosa, may sariling security arrangement ang pamunuan ng Quiapo maliban pa sa regular silang nakikipag coordinate sa pamunuan ng Manila Police District.

Giit pa ng opisyal, minsan nga ay kailangan magputol ng celphone signal sa simbahan ng Quiapo at bisinidad nito bilang bahagi ng ipinatutupad na security measures ng PNP.

Binanggit rin ni Dela rosa na handa siyang magpaliwanag kaugnay sa pahayag ni Senate President Koko Pimentel na nagkaroon ng failure of intelligence kaya nagana pang sunud-sunod na pagsabog sa Quiapo.

Read more...