Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Special Envoy to the Middle East Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Pupunan ni Cimatu ang pwesto na iniwan ni dating Environment Secretary Gina Lopez na hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ang appointment ni Cimatu ay inanunsyo ng pangulo cabinet meeting sa Palasyo ng Malacañang.
Una rito, nagpost na sa kanyang facebook page si Agriculture Secretary Manny Piñol na si Cimatu ang bagong kalihim ng DENR subalit kalaunan ay binura rin niya ito hanggang sa kinumpirma ni Medialdea ang ulat.
Si Cimatu ay naging pinuno ng Armed Forces of the Philippines noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naitalaga rin sa isang special mission sa Gitnang Silangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.