Kasunod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga oil companies.
Muling magpapatupad ng tapyas presyo ang Flying V umpisa 12:01 ng hating gabi ng May 9, 2017.
Magrorolback ang Flying V ng P0.90 sa kada litro sa gasolina, P1.05 sa diesel at P0.90 sentimos sa kerosene o gaas.
Simula naman bukas ng alas-sais ng umaga ay magpapatupad rin ng kahalintulad na rollback ang mga kumpanyang Chevron, Pilipinas Shell, Petron, Seaoil, Phoenix Petroleum, PTT, Metro, Jetti at Clean Fuel.
Noong isang linggo ay nagpatupad rin ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ang mga kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.