Janet Lim Napoles handang kumanta kung gagawing state witness

By Den Macaranas May 08, 2017 - 03:14 PM SHARE(S):
Napoles1
Inquirer file photo

Handa si Janet Lim Napoles na magsabi ng kanyang mga nalalaman sa lawak ng mga transaksyon sa pork scam sakaling kunin siyang state witness ng pamahalaan.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Atty. Stephen David, isa sa mga abogado ni Napoles na noon pa ito sinabi ng kanyang kliyente.

Kanina ay inabswelto ng Court of Appeals 12th Division si Napoles sa kasong serious illegal detention na isinampa ng kanyang dating tauhan na si Benhur Luy.

Pero dahil nahaharap sa mga kasong plunder na isang non-bailable charge kaya hindi pa makalalabas ng kulungan si Napoles ayon sa paliwanag ni David.

Si Naploes ay kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City makaraan siyang hatulan ng Makati Regional Trial Court sa kasong isinampa ni Luy noong 2015.

Idinagdag pa ni David na posibleng mailipat ng kulungan ang kanyang kliyente dahil sa paborableng desisyon ng Court of Appeals.

TAGS: court of appeals, David, luy, napoles, plunder, court of appeals, David, luy, napoles, plunder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.