Janet Napoles, inabswelto ng Court of Appeals sa kasong serious illegal detention

janet-napolesInabswelto ng Court of Appeals ang umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles sa kasong serious illegal detention kung saan sangkot ang kanyang kamag-anak na si Benhur Luy.

Sa desisyon na may petsang May 5, pinagbigayn ng 12th Division ng CA ang apela ni Napoles na nagbabasura sa ruling ng Makati City Regional Trial Branch 150 noong April 2015.

Nakasaad sa naturang desisyon na bigo ang prosekusyon na maglabas ng burden of proof na nagpapatibay sa kasong illegal detention na isinampa laban kay Napoles.

Pero sa kabila nito, mananatili pa rin si Napoles na nakakulong dahil sa iba pang nabinbing mga kaso nito na plunder at graft sa Sandiganbayan.

May kaugnayan ang mga naturang kaso ni Napoles sa pork barrel scam, o ang umano’y maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.

Kaugnay nito, ikinalungkot naman ng kampo ni Luy ang naging desisyon ng Court of Appeals.

Ayon kay Atty. Raji Mendoza, legal counsel ni Luy, wala pa silang nakukuhang kopya ng naturang desisyon.

Matatandaang inakusahan si Napoles at ang kanyang kapatid na si Reynald Lim ng pagkulong kay Luy simula noong December 20, 2012 hanggang March 22, 2013.

Read more...