Unang naganap na pagsabog sa Quiapo, case solved na ayon sa MPD

By Angellic Jordan May 08, 2017 - 02:07 PM

MPD Press con
Kuha ni Angellic Jordan

Ikinonsidera ni Manila Police District Director Senior Superintendent Joel Napoleon Coronel bilang case solved na ang unang naganap na pagsabog sa bahagi ng Quezon Boulevard corner Soler St. Extension sa Quiapo, Maynila noong April 28, 2017.

Ito ay batay sa pagkakaalam ng pagkakakilanlan ng mga responsibilidad sa naturang pagsabog.

Sa isinagawang press conference, iprinisinta sa media ang isa sa apat na suspek na si Abel Macaraya, trenta singko anyos na sinasabing bayaw ng menor de edad na binugbog ng grupo ng mga kalalakihan.

Nahuli si Macaraya noong May 4 batay sa nakuhang CCTV footage ng mga otoridad.

Samantala, pinangalanan naman ang iba pang pinaghahanap na suspek na kaibigan ni Macaraya na sina Raymond Mendoza, isang alyas “saro” at alyas “alimoro.”

Base sa pagsasaliksik ng MPD-Explosive Ordnance Division, isang improvised homemade pipe bomb ang ginamit sa pagsabog na gawa sa mga simpleng kagamitan tulad ng pulbura ng bala ng shotgun, timer, electric wires at iba pa.

Paliwanag ni Coronel, posibleng may nagturo sa mga ito o natutunan ang paggawa gamit ang internet.

Hindi aniya ito lumabas na kapareho sa mga bombang ginagamit ng mga teroristang grupo.

Bunsod nito, wala aniyang sapat na ebidensiyang masasabing may koneksyon sa ISIS.

Sa ngayon, hindi pa rin isinasara ang kaso dahil sa patuloy na pagtugis ng pulisya sa mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.