Signal ng Globe at Smart sa Quiapo, balik na sa normal
Matapos suspendehin sa loob ng 48 oras, ibinalik na ng Globe Telecom Inc., sa normal ang signal ng mobile network sa Quiapo, Maynila.
Sinuspinde ng Globe ang kanilang signal sa naturang lugar kasunod ng naganap na dalawang pagsabog noong Sabado ng gabi.
Ayon sa Globe, batay na rin sa utos ng National Telecommunicatios Commission, balik na sa normal ang kanilang signal sa mga lugar sa paligid ng Quiapo, Maynila.
Humingi naman ng pasensya at pang-unawa ang Globe sa kanilang mga subscriber na naapektuhan ng naturang utos ng NTC.
Kaugany nito, humingi naman ng paumanhin ang Smart Communications sa pansamantalang suspensyon ng kanilang signal sa Quiapo.
Ayon sa Smart, nagpatupad sila ng partial shutdown ng kanilang mobile phone services na nakaapekto sa ilang bahagi ng Maynila, Makati at Quezon City mula Linggo ng gabi.
Hakbang ito ng network matapos itong iutos ng Philippine National Police sa pamamagitan ng NTC.
Pero sa ngayon ay naibalik na rin sa normal ang signal ng Smart sa nabanggit na mga lokasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.