MPD, hindi pinanghihinaan ng loob sa kabila ng mga insidente ng pagsabog sa Quiapo, Maynila

MPDHindi pinanghihinaan ng loob ang Manila Police District matapos ang ilang pagsabog na naganap sa Quiapo, Maynila.

Sa isinagawang flag raising ceremony sa MPD Headquarters, nagbigay ng mensahe si District Director Chief Superintendent Joel Coronel sa kanyang mga tauhan kaugnay ng mga natatanggap na kritisismo dahil sa naturang pagsabog.

Aniya, ikinokonsidera nila ang insidente bilang pagsubok ngunit nanindigan itong hindi nila aatrasan ang mga hamong gaya nito.

Ipinaalala rin ni Coronel sa kanyang mga tauhan ang responsibilidad na pangalagaan ang mamamayan.

Gayunman, aminado ang MPD chief na may ilang kumukuwestiyon sa kanilang integridad pero sinabi nila na isinusulong nila ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Pananatilihin din nila aniya ang pakikipag-ugnayan sa media at iba pang sektor upang hindi mawala ang tiwala ng publiko.

Dagdag pa nito, patuloy pa ring nakataas sa full alert status ang pulisya kaugnay sa naganap na pagsabog.

Read more...