Duterte, nakatakdang ianunsiyo ang susunod na BSP Governor

By Rohanisa Abbas May 08, 2017 - 12:39 PM

bspMalapit nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa isang panayam sa isang pagpupulong sa Asian Development Bank.

Ayon kay Dominguez, sinabihan niya si Pangulong Rodrigo Duterte na marahil ito ang pinakamahalagang pagtatalaga na kanyang gagawin, at inilatag ng Kalihim ang mga bagay na dapat ikunsidera ng Pangulo.

Nangunguna sa listahan ng posibleng susunod na governor ng BSP si Diwa Guinigundo, na isa sa deputy governor ng BSP.

Kabilang din sa napababalitang posibleng umupo sa pwesto sina Nestor Espenilla, second deputy governor ng BSP, at Peter Favila, dating trade secretary at monetary board member.

Samantala, inilatag ni Dominguez ang isang agenda para sa reporma sa buwis na magdudulot ng pagtaas ng buqis sa langis, mas mababang corporate tax, at mas malaking revenue para sa programang imprastruktura ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.