Imelda Marcos, buhay na buhay pa ayon sa anak na si Imee

By Isa Avendaño-Umali, Mariel Cruz May 08, 2017 - 12:25 PM

iMELDA mARCOS
FILE PHOTO

Mariing pinabulaanan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang balitang pumanaw na ang kanyang ina na si dating First Lady at incumbent Rep. Imelda Marcos.

Ito ay nilinaw ng nakababatang Marcos kasunod ng Twitter post ng aktres at Bacoor Cavite Mayor Lani Mercado-Revilla na nagpapaabot ng pakikiramay sa umano’y pagpanaw ng dating First Lady.

Ayon kay Imee, walang katotohanan ang lumutang na balita sabay giit na buhay na buhay pa ang kanyang ina.

Sa tweet ni Mercado, na binura na, nagpaabot ng pakikiramay ang alkalde sa pamilya Marcos.

Sinabi pa ni Mercado sa kanyang tweet na isang pribilehiyo ang maka-trabaho si Congresswoman Imelda Marcos.

Matapos makumpirma na mali ang balita, agad na humingi ng paumanhin si Mercado sa pamamagitan pa rin ng Twitter.

Hindi aniya totoo ang natanggap niyang balita ukol sa naturang pagpanaw ni Imelda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.