Ngayong araw na ang nakatakdang pagharap ng mga kinatawan ng pamahalaan sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.
Ipinadala ng bansa ang delegasyon na pinamumunuan nina Sen. Alan Peter Cayetano at deputy executive secretary for legal affairs Menardo Guevarra para ipresenta ang kalagayan ng human rights sa Pilipinas.
Tatalakayin ng delegasyon ang human rights record ng Pilipinas mula noong huling apat na taon ng panunungkulan ni dating Pangulong Benigno Aquino III hanggang sa kasalukuyang Duterte administration.
Ipagtatanggol rin ng delegasyon ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga na binabatikos hindi lang ng U-N kundi pati ng iba pang mga bansa.
Kabilang din sa mga itatanong sa delegasyon ang tungkol sa siksikan sa mga kulungan, pagpapabilis ng paglilitis, estado ng Maguindanao massacre at kapakanan ng mga journalists.