Duterte, biyaheng Cambodia, Hongkong at China sa Miyerkules

By Chona Yu May 08, 2017 - 11:30 AM

Duterte budgetKasado na ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cambodia, Hongkong at China sa Miyerkules hanggang sa susunod na linggo.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Acting Spokesman Robespierre Bolivar, dadalo si Pangulong Duterte sa World Economic Forum for ASEAN sa May 10 hanggang 11 sa Cambodia.

Bilang chairman ng ASEAN ngayong taon, magsasalita si Pangulong Duterte sa pagtitipon kung saan makakasama niya ang dalawampu’t lima pang heads of state.

Inaayos pa ng DFA ang schedule sakaling magkaroon ng bilateral meeting ang pangulo sa lider ng ibang bansa.

Mula Cambodia, diretso sa Hongkong ang pangulo para makasalamuha ang mga OFW sa darating na weekend.

Tatawid naman siya sa China sa May 13 para dumalo sa One Belt, One Road forum ng China hanggang May 15.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.