Pero paliwanag ni Bato, lumalabas sa imbestigasyon na personal ang motibo sa pagpapasabog sa Quiapo na hindi naman nacocover ng intel operatives ng PNP.
Dahil dito, wala umanong magaganap na balasahan sa pamunuan ng Manila Police District na pinangungunahan ni District Director Chief Supt. Joel Coronel at NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde.
Bagaman, may usapin ng command responsibility, hindi naman kasalanan ng mga namumuno sa MPD at NCRPO ang nangyari bunsod na rin ng lumalabas na problema talagang personal ang nakikitang motibo sa pagsabog.
Maliban dito, matagal na rin umanong problema ang bomb for sale na naibebenta sa kahit sinong indibidwal na nangangailangan ng pampasabog o IED, partikular na ang bomba na nanggagaling pa mula sa Mindanao.