Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘excellent’ trust rating sa pinakahuling resulta ng isang survey.
Ayon sa SWS survey na isinagawa sa unang quarter ng 2017, nasa walompung porsiyento ng mga Pinoy ang may ‘much trust’ pa rin sa pangulo samantalang nasa 10 porsiyento ang may ‘little trust’ at 11 porsiyento ang ‘undecided’.
Nangangahulugan ito na may +70 net trust rating ang pangulo na katumbas ng ‘excellent trust rating’.
Halos kapareho pa rin ito ng ‘excellent’ +72 na kanyang nakuha noong December 2016.
Isinagawa ang survey sa pagitan ng March 25 hanggang 28 sa may 1,200 mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.