200 preso, ‘at large’ pa rin matapos ang jail break sa Indonesia

By Isa Avendaño-Umali May 07, 2017 - 02:13 PM

Jail breakAabot sa dalawang daang inmates ang nananatiling ‘at large’, dalawang araw matapos ang ‘mass escape’ mula sa isang bilangguan sa Sumatra Island sa Indonesia.

Ayon sa mga otoridad doon, nasa 242 na preso na ang muling nahuli.

Hindi tiyak ang Indonesian police kung ilan talaga ang mga nakapuga mula sa Sialang Bungkuk Prison, sa Pekanbaru, sa lalawigan ng Riau.

Pero tinatayang nasa isang daan hanggang tatlong daan ang tumakas na mga preso.

Sa inisyal na ulat, agad na nakatakas ang mga bilanggo dahil iilan lamang ang mga naka-duty na gwardya.

Galit na galit umano ang mga inmate dahil sa kaawa-awang kundisyon at nararanasang pangmamaltrato sa kulungan.

May mga inmate na sumuko habang ang iba ang umuwi sa kani-kanilang mga pamilya o kaya nama’y nahuli ng mga residente, pulis at sundalo.

Patuloy namang nakadeploy ang mga pulis at sundalo upang maaresto ang mga pumugang preso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.