PNP, maghahanap ng altenatibong mapagkukunan ng suplay ng armas

 

Tututok ang Philippine National Police o PNP sa paghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng suplay ng armas oras na tuluyang higpitan ng Estados Unidos ang pag-export nito sa bansa.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, nag-aalok magbenta ng ilang armas ang China at Russia sa bansa.

Dagdag pa nito, nangako si Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng armas na kakailanganin ng mga pulis.

Maghahanap din aniya ng paraan ang PNP kung paano makukuha ang nabanggit na armas.

Samantala, dalawag mambabatas sa Amerika ang naghain ng panukalang batas na pagbabawal ng pag-export ng armas sa Pilipinas dahil sa anila’y paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kina Senators Ben Cardin at Marco Rubin, nakakaalarma ang bilang ng mga namamatay sa ilalim ng kampanya ng pangulo kontra ilegal na droga.

Read more...