Duterte, walang intensyong siraan ang integridad ng C.A. – Malakanyang

By Isa Avendaño-Umali May 07, 2017 - 01:00 PM

Duterte Peru2Ipinagtanggol ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa naging pahayag nito ukol sa pag-iral umano ng ‘lobby money’ kaya na-reject ng Commission on Appointments o C.A. si dating Environment Secretary Gina Lopez.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na maaaring hina-higlight ng pahayag ng presidente ang pagkakaroon ng ‘certain vested interests’ sa appointment ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Gayunman, iginiit ni Abella na ang naturang statement ni Duterte ukol sa lobby money ay walang intensyon na siraan ang integridad ng makapangyarihang C.A.

Ang ilang miyembro aniya ng C.A. ay nagpasya batay sa prinsipyo at kunsensya, at ang iba ay ipinaliwanag pa ang kanilang boto kahot secret voting ang ginawa ng lupon.

Higit sa lahat, ani Abella, nirerespeto ni Duterte ang independence ng C.A.

Ang hindi umano pakiki-alam ni Duterte sa confirmation process para kay Lopez ay nagpapakita ng paggalang ng punong ehekutibo sa komisyon.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod ng pagkastigo ni Senador Panfilo Lacson sa pangulo dahil sa umano’y pagsalakay nito sa integridad ng C.A.

Ayon kay Lacson, hindi tama at wala sa lugar ang remarks ni Duterte laban sa komisyong binubuo ng mga senador at kongresista.

 

TAGS: commission on appointments, Rodrigo Duterte, commission on appointments, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.