British Embassy, naglabas ng travel advisory kasunod ng Quiapo twin blast
Naglabas ang British Embassy in Manila ng travel advisory, matapos ang dalawang pagsabog sa Quiapo, Maynila Sabado ng gabi.
Sa naturang travel advisory, binanggit ng embahada na dalawa ang nasawi at ilang indibidwal ag nasugatan dahil sa mga pagsabog.
Pinapayuhan ng British Embassy ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang lugar kung saan nangyari ang pagsabog, maging ‘up to date’ sa mga balita mula sa local media, at sundin ang payo ng mga otoridad.
Matatandaan na sinabi ni National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde na isinantabi na nila ang anggulong terorismo sa dalawang pagsabog, na unang nangyari bago mag-alas-sais ng gabi, habang ang isa ay higit dalawang oras matapos ang unang pagsabog.
Ang isa sa mga namatay ay siyang nagdala umano ng package, at ang ikalawang biktima ay ang tumanggap ng package.
Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring gang war o paghihiganti raw ang rason ng pagpapasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.