Balikatan 2017, magbubukas na sa Lunes

By Isa Avendaño-Umali May 07, 2017 - 09:46 AM

balikatan-copy (1)
Inquirer file photo

Kasado na ang pagbubukas ng Balikatan joint military exercises 2017 sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Maj. Frank Sayson, tagapagsalita ng panig ng Pilipinas sa Balikatan, gaganapin ang opening ng naturang joint military exercises sa main headquarters ng Armed Forces of the Philipines sa Kampo Aguinaldo bukas (May 08).

Inaasahan aniya na dadalo sa seremonya ang mga matataas na Defense at military officials sa pangunguna nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief Gen. Eduardo Año, habang sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Ambassador Sung Kim ay nakalista bilang panauhin.

Sinabi ni Sayson na Single Scenario Concept o SSC ang Balikatan para sa taong ito.

Taliwas sa mga nakalipas na Balikatan, sinabi ni Sayson na tututok ang joint militray exercises ngayong taon sa Humanitarian Assistance and Disaster Response, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, napagkasunduan ng dalawang panig na hindi lamang ukol sa kakayahan sa paglaban ang hinahasa sa military drills, kundi maging ang kapabilidad sa disaster response, lalo na kapag tumama ang malakas na lindol at pagbayo ng bagyo.

Isasagawa ang Balikatan sa iba’t ibang panig ng bansa, gaya sa Aurora, Isabela, Batanes, Cagayan, Samar at iba pa.

Dagdag ni Sayson, magdedeploy ang AFP at U.S. Forces ng iba’t ibang naval at air transport assets, upang makibahagi sa Balikatan.

TAGS: Balikatan 2017, Balikatan 2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.