VACC, maghahain ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Morales

ombudsman morales-4-620x413-Nakatakdang maghain ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon sa VACC, anumang araw ay isasampa nila sa Mababang Kapulungan ang reklamo laban kay Morales.

Kabilang umano sa mga ground ng impeachment complaint ay ang ‘selective justice’ na pinairal daw ni Morales nang absweltuhin nito si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kasong may kinalaman sa Disbursement Acceleration Program o DAP.

Giit ng VACC, maliban kay dating Budget Secretary Burth Abad ay dapat na-indict din si Aquino dahil siya mismo ang nag-apruba ng DAP.

Nauna nang sinampahan ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano ng impeachment complaint sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dalawang reklamo naman ang inihain kontra kay Vice President Leni Robredo, pero kapwa walang endorsement ang mga ito.

Tiwala naman ang VACC na mayroong kongresista na mag-eendorso sa impeachment complaint na ihahain nila laban kay Morales.

Read more...