Post-blast investigation sa pagsabog sa Quiapo, pansamantalang inihinto

By Cyrille Cupino May 07, 2017 - 06:06 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Pansamantalang hininto ang post-blast investigation ng Explosive and Ordnance Division dito sa naganap na pagsabog sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa source, masyadong madilim sa area kaya’t hihintayin muna nila ang pagsapit ng umaga.

Ito’y para walang maiwan na ebidensya o mga shrapnel sa pinangyarihan ng pagsabog.

Sa nakalipas na magdamag, sinecure lang ng SWAT ang lugar, pati higher grounds upang tiyakin na wala nang natitirang pampasabog sa lugar.

Sa ngayon, nandito pa rin sa blast site yung dalawang bangkay ng mga biktima, at mamaya pa ipo-proseso ng
Scene of the Crime Operative pagkatapos ng post-blast investigation sa dalawang pagsabog.

TAGS: blast, Explosive and Ordnance Division, Maynila, post-blast investigation, quiapo, blast, Explosive and Ordnance Division, Maynila, post-blast investigation, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.