Dalawang kahina-hinalang lalaki, inimbitahan ng MPD kaugnay ng pagsabog sa Quiapo
Inimbitahan ng Manila Police District ang dalawang kahina-hinalang lalaki na nasa pinangyarihan ng pagsabog sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, pinosasan, pero hindi inaresto ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.
Paliwanag ni Albayalde, kahina-hinala ang naging kilos ng dalawa, dahilan para imbitahan sila sa Manila Police District para sa ilang paglilinaw.
Dagdag pa ni Albayalde, kakausapin rin ang mga may-ari ng tindahan sa lugar upang makahingi ng mga
karagdagang impormasyon.
Limitado naman ang pagkilos ng mga residente sa lugar dahil nakakordon pa rin ang Norzagaray at Elizondo
Streets.
Hindi rin pinapayagang makapasok ang hindi mga residente sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.