Magkasunod na pagsabog sa Quiapo, walang kinalaman sa terorismo

Kuha ni Rod Lagsuad
Kuha ni Rod Lagsuad

Iginiit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Chief Superintendent Oscar Albayalde na walang indikasyon na ang magkasunod na pagsabog sa Quiapo ay may kinalaman sa terorismo.

Ayon kay Albayalde na ang unnag pagsabog na naganap ay target ang partikular na tao.

Dagdag pa ni Albayalde na ang pangalawang pagsabog ay maaring konektado sa unang naging pagsabog.

Aniya patuloy ang isinasagawang post blast investigation ng explosive ordnance disposal unit.

Naglagay na rin ng mga checkpoints sa Quiapo ang pulisya.

Read more...