Magkasunod na pagsabog sa Quiapo, walang kinalaman sa terorismo
Iginiit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Chief Superintendent Oscar Albayalde na walang indikasyon na ang magkasunod na pagsabog sa Quiapo ay may kinalaman sa terorismo.
Ayon kay Albayalde na ang unnag pagsabog na naganap ay target ang partikular na tao.
Dagdag pa ni Albayalde na ang pangalawang pagsabog ay maaring konektado sa unang naging pagsabog.
Aniya patuloy ang isinasagawang post blast investigation ng explosive ordnance disposal unit.
Naglagay na rin ng mga checkpoints sa Quiapo ang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.