Bag na natagpuan malapit sa pinagsabugan sa Maynila, walang lamang pampapasabog

By Rod Lagusad May 07, 2017 - 05:52 AM

Kuha ni Rod Lagsuad
Kuha ni Rod Lagsuad

Walang lamang pampasabog ang naiwang kahina-hinalang bag sa Quiapo ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albaylde.

Ang naturang bag ay malapit lang sa lugar kung saan nangyari ang dalawang pagsabog na pumatay sa dalawang
katao at ikinasugat ng anim na iba pa.

Gumamit ang Manila Police District-Explosive Ordinance Division (MPD-EOD) ng ICOR Caliber MK3 bomb-disposal robot sakaling naglalaman ng pampasabog ang nasabing bag.

Naganap ang unang pagsabog bago mag-alas sais ng gabi at pangalawa bandang 8:30 pm.

Kabilang sa mga nasugatan ay ang dalawang pulis matapos maganap ang ikalawang pagsabog sa lugar.

 

TAGS: blast, MPD, NCRPO, Oscar Albaylde, quiapo, blast, MPD, NCRPO, Oscar Albaylde, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.