NCRPO, pinakakalma ang publiko

By Cyrille Cupino May 07, 2017 - 05:52 AM

Kuha ni Rod Lagsuad
Kuha ni Rod Lagsuad

Nagpaalala ang National Capital Region Police Office sa publiko na manatiling kalmado sa kabila ng naganap na kambal na pagsabog sa Quiapo, Maynila.

Sa pahayag na inilabas ni NCRPO Dir. Oscar Albayalde, tiniyak nito na kontrolado ng PNP ang sitwasyon.

Hiniling rin ni Albayalde sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon lalo na sa social media upang maiwasan ang panic.

Hinimok ni Albayalde ang publiko na maging mapag-matyag at i-report kaagad sa pulisya kung may napapansin silang kahina-hinala sa paligid.

Nagpahayag rin ng pakikiramay ang NCRPO sa pamilya ng mga nasawi at dasal para sa agarang paggaling ng mga
nasugatan.

Kaagad na napasugod si Albayalde sa blast site sa Quiapo, at naroon rin si MPD Chief Joel Coronel nang maganap
ang pangalawang pagsabog sa lugar.

TAGS: blast, Joel Coronel, MPD, NCRPO, Oscar Albayalde, quiapo, blast, Joel Coronel, MPD, NCRPO, Oscar Albayalde, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.