Imbestigasyon sa mga kaso ng EJKs itutuloy ng U.N Rapporteur

By Chona Yu May 06, 2017 - 03:09 PM

EJKTiniyak United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na babalik siya sa pilipinas para sa isang official visit.

Ayon kay Callamard, committed siya sa kanyang tungkulin na busisiin ang umanoy nagaganap na extra judicial killings sa Pilipinas bunsod ng pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman hindi pa matukoy ni Callamard kung kailan siya makababalik sa Pilipinas.

Noon pang September 26 nagpadala ng imbitiasyon ang Pilipinas kay Callamard na magsagawa ng imbestigasyon sa mga kaso ng EJK subalit hindi ito kinagat ng opisyal.

Una rito, naglatag ng kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte para makiisa siya sa gagawing imbestigasyon ng grupo ni Callamard.

Papayag lamang ang pangulo na magsagawa  ng imestigasyon si Callamard kung una, papayagan siyang matanong ang U.N rapporteur.

Gaya halimbawa kung ilan na raw ba ang napatay, kung sino ang ikasampung biktima na ipinapatay ni Pangulong Duterte kung saan napatay at kung ano ang pangalan.

Gusto rin ng pangulo na gawin ang kanilang debate ni Callamard sa harap ng publilko at naka live sa telebisyon.

Ayon sa pangulo kung hindi raw masasagot ni Callamard ang kanyang mga katanungan, mas makabubuting lumayas na lang ito sa Pilipinas.

Una rito umani na rin ng batikos ang umanoy unannounced visit ni Callamard sa bansa.

TAGS: agnes callamard, duterte, ejk, u.n rapporteur, agnes callamard, duterte, ejk, u.n rapporteur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.