Audit ng PNP sa mga selda, dapat ilabas ayon sa CHR

chito gasconNananawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) na ilabas ang audit ng mga selda.

Una nang iniutos ni PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang pag-audit sa mga piitan, matapos madiskubre ng CHR sa isang inspeksyon ang umano’y “secret jail” sa Police Station 1 sa Tondo, Maynila.

Ayon kay CHR chairman Chito Gascon, sinabi ni Dela Rosa na nagsagawa na sila ng audit at napag-alaman nilang wala nang iba pang secret jails bukod sa nadiskubre sa Tondo.

Dahil dito, hiniling ni Gascon kay Dela Rosa na ilabas ang mga report na kaniyang natanggap mula sa mga field offices.

Bukod dito, hiniling rin ni Gascon na hayaang magsagawa ng independent audit ang CHR katuwang ang mga non-government organizations na nais tumulong.

Read more...