Paglimita ng US na magbenta ng armas sa Pilipinas, hindi ikinabahala ng Palasyo

armasIpinagkibit balikat lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang inihaing panukala nina US Senators Benjamin Cardin at Marco Rubio na limitahan ang pagbebenta ng armas ng Amerika sa Pilipinas.

Ito ay dahil sa nagagamit na umano ang armas sa extrajudicial killings bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi naman nangangailangan ngayon ang Department of National Defense at ang Philippine National Police ng karagdagang armas.

Katunayan, sinabi ni Panelo na may mga bansa ang nagdonate ng armas sa Pilipinas pero tinanggihan ito ng DND dahil sa sapat naman umano ang kanilang kagamitan.

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi problema sa Pilipinas kung hindi na magbenta ng armas ang Amerika dahil nag aalok naman umano ang China at Russia.

Katunayan ayon sa pangulo, buy one take one ang alok ni Russian President Vladimir Putin kay Duterte.

Read more...