Death penalty, susi para maging drug-free ang Pilipinas ayon sa Palasyo

By Chona Yu May 05, 2017 - 06:24 PM

death-penalty-0517Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na tuluyan nang makalulusot sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang parusang kamatayan.

Pahayag ito ng Palasyo kahit na bumaba ang bilang ng mga Pinoy na pumapabor sa parusang kamatayan.

Base sa pinakabagong survey ng Pulse Asia noong March 15 hanggang 20, 67 percent ng mga Filipino ang sumusuporta sa death penalty, mas mababa ito ng 14 percent kumpara sa 81 percent na naitala noong July 2016.

Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, ang parusang kamatayan ang magiging susi para makamit ng Pilipinas ang pagiging drug free na bansa.

Ayon pa kay Abella, ang pagbabalik sa parusang kamatayan ang pinakamahalagang elemento para magkaroon ng matatag na gobyerno na mangangalaga sa mamamayan lalo na sa mga kabataan laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Sa kasalukuyan, lusot na sa Kamara ang parusang kamatayan pero nakabinbin pa sa Senado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.